The celebration of Buwan ng Wika has since been marred by the politics of what is to be considered language or dialect among the many existing tongues in the Philippines. Since the official designation of Filipino as the national language based on the 1987 constitution, other native languages seem to have taken a backseat.
A study by the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)—a governing body assigned by Congress through the constitution to “the development, propagation, and preservation of Filipino and other languages”—found out that there are at least 131 native languages, 32 of this is considered as endangered languages as of 2015.
KWF and National Commission for Culture and the Arts chairman Virgilio Almario says that the preservation of this dying languages is top priority.
“Ang ating mga kapatid na may-ari ng mga katutubong wika na malapit nang mamatay ay nawawalan din ng simpatiya sa kanilang sariling wika,” Almario said in an interview with a local publication.
He says this is primarily because they think if they set aside their own native tongue and speak other major languages like Ilocano, Bisaya, or Tagalog, they are more likely to fit in the society.
This is why the KWF has undertaken a project called “Bantayog-Wika” which aims to preserve these “intangible cultural heritage” through a physical structure.
We spoke to its project coordinator Roy Cagalingan about these 10-foot tall monuments and what they mean for the future of indigenous languages.
Ano ang istorya sa likod ng Bantayog-Wika?
Nagsimula ang Bantayog-Wika bílang mungkahi ng isa sa aming mga komisyoner na magkaroon ng mohon o marker ang mga katutubong wika sa Filipinas sa pakikipag-ugnay sa Tanggapan ni Senador Loren B. Legarda. Nang lumaon, pinalawig pa ito upang maging isang monumental na pagpaparangal sa ating mga katutubong wika.
Ilan na ang mga Bantayog-Wika sa bansa?
May walong (8) Bantayog-Wika sa kasalukuyan sa buong Filipinas na matatagpuan sa Antique (wikang Kinaray-a); Lamut, Ifugaw (wikang Tuwali); Lungsod Mati, Davao Oriental (wikang Mandaya); Lungsod Tabuk, Kalinga (wikang Kalinga); Occidental Mindoro (wikang Mangyan); Lungsod Malaybalay (wikang Bukidnon); Lungsod Balanga, Bataan (wikang Ayta Magbukon); at Lungsod Batangas, Batangas (wikang Tagalog).
Saan pa ang mga minamatang lokasyon na pagtatayuan ng bantayog?
Inaasahan pa namin na itatayô ito sa iba’t ibang lugar sa Filipinas. Nása aming plano na ang pagtatayô nito sa Bulakan, Surigao, Sorsogon, Pangasinan, Aurora, Tawi-Tawi, Dapitan, Lungsod Zamboanga, Baguio, Pampanga, General Santos, at South Cotabato.
Paano nakatutulong ang Bantayog-Wika sa pagsusulong ng mga nasabing katutubong wika?
Pagdidiin ang proyektong Bantayog-Wika sa kabuluhan bílang pamanang pangkultura (intangible cultural heritage) ng ating mga katutubong wika. Ani Tagapangulo at ating Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario na ang wika ang “kabuoang ulat ng di-nakasúlat na kasaysayan, tagumpay at kabiguan, kaisipan at pananalig, pangitain at pangarap, atbapang himaymay ng karanasan ng bawat pangkat ng táo.” Nais naming idambana ang ating mga katutubong wika sa ating mga kababayang gumagámit nitó upang ipagmalaki nila at pangalagaan ang mga ito.
Ano pang mga programa ang nakahanay kaugnay ng layunin ng Komisyon na mapanatili ang mga katutubong wika ng bansa?
Ilan sa mga programa namin tungo sa pananaliksik at pangangalaga sa mga katutubong wika ay ang Lingguwistikong Etnograpiya, sa tulong ng Tanggapan ni Sen. Loren B. Legarda, isang malakihang pananaliksik hinggil sa mga wika at pangkating katutubo ng ating bansa.
Mayroon kaming Bahay-Wika para sa mga katutubong wika na nanganganib nang maglaho. Sinimulan na ito ngayong taon para sa wikang Ayta Magbukon sa Abucay, Bataan.
This story originally appeared in Southern Living Discourse Issue
Read more:
Writing a nation: Should we start using Baybayin again?
Did you know we have over 100 languages in the PH?